Nakikiisa ang Overseas Filipino Bank (OFBank) sa pagdiriwang ng Privacy Awareness Week 2026 na may temang, “ANAMNESIS: Looking Back and Moving Forward.” Habang patuloy ang pag-unlad ng teknolohiya at artificial intelligence, mas mahalaga ang sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang personal na datos ng bawat Pilipino. Bilang kaagapay ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya, patuloy na isinusulong ng OFBank ang ligtas, responsable, at mapagkakatiwalaang digital banking para sa lahat, saan mang panig ng mundo.