PRODUCTS & SERVICES

Cybersecurity Awareness Month 2026


Ngayong Cybersecurity Awareness Month 2026, nakikiisa ang Overseas Filipino Bank (OFBank) sa temang “HABI! Salig sa Gawa, Tibay sa Banta.” Paalala ito na ang cybersecurity ay responsibilidad nating lahat — mula sa pagiging maingat online hanggang sa sama-samang pagprotekta sa ating digital community.

Tandaan ang tips na ito:

  • I-check muna kung legit ang link o sender bago mag-click.
  • Huwag ibahagi ang password, OTP, at iba pang account details.
  • Gumamit lang ng official OFBank channels sa iyong transactions.
  • Mag-double check kapag may kahina-hinalang message o request.

Sa panahon kung kailan halos lahat ay pwedeng gawin online, mahalagang gawing habit ang pagiging maingat sa bawat click at transaction.

Stay alert, stay secure, at protektahan ang iyong OFBank account saan ka man sa mundo.