Mula November 25 hanggang December 12, buong pusong nakikiisa ang Overseas Filipino Bank (OFBank) sa 2026 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Karapatan ng bawat Filipina na mamuhay at magtrabaho nang malaya sa takot, karahasan, at pang-aabuso.
Sa pamamagitan ng bukas na pag-uusap, paggalang, at sama-samang pagkilos, makatutulong tayong gawing mas ligtas ang ating mga tahanan, lugar ng trabaho, komunidad, at online spaces.
Kaisa ng Philippine Commission on Women (PCW), patuloy nating isulong ang Biyaheng Ligtas Pilipinas tungo sa isang lipunang ligtas, pantay, at may paggalang sa karapatan ng bawat isa.
Sama-sama tayo sa Biyaheng Ligtas tungo sa isang VAW-free Philippines!